![](https://static.wixstatic.com/media/9d10fd_6b664a1c32694128a0dc128fe9fece7f~mv2.png/v1/fill/w_640,h_427,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/9d10fd_6b664a1c32694128a0dc128fe9fece7f~mv2.png)
Biyernes ng gabi, humigit isang million na doses ng Pfizer ang dumating sa bansa galing sa COVAX Facility gamit ang Air Hong Kong bilang transportasyon. Ibinaba ang mga vaccines sa
Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 at ipinadala ito sa National Capital Region upang ilagay sa Cold Storage Facility.
Sa 140 termal boxes ay mayroong halos 813,150 doses na parte lamang ng 914,940 doses. Ang Philippine Airlines naman ang may dala ng natitirang 101,790 doses na ipapadala sa Davao City.
Mayroon pa ang magkaibang kargamento na 101,790 doses na sa Cebu naman ididiretso.
Kahapon naman ng Linggo ay inasahan na sa Philippine Airlines ang tatlong million na doses ng Sinovac Vaccine na gawa ng China galing Beijing.
Ang dalawang million na doses ay nakuha ng gobyerno sa China habang ang isang million doses naman ay bigay ng Gobyerno ng China sa Pilipinas.
Balita ni: Nicole Jayne Villañueva
Comments