Nitong Lunes, ika- 22 ng Nobyembre, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat na umaasa siyang maaaprubahan ng gobyerno ang mga guidelines para sa pagpasok ng mga fully vaccinated na dayuhang turista mula sa green countries o iba pang low-risk countries sa Pilipinas.
Ayon sa pahayag ni Puyat sa Laging Handa Briefing, nagkaroon ng IATF meeting noong Huwebes at matagal na raw pabor ang DOT (Department of Tourism) na unti-unting makapasok ang mga dayuhan sa bansa. In principle ang pag-approve na ang ibig sabihin ay pag-uusapan pa ang mga detalye at kondisyon na dapat plantsahin.
“So we’re hoping by next week, we hope we will be able to implement it soon,” dagdag pa niya.
Ito ang ilan sa mga bansang kabilang sa green countries:
American Samoa Bhutan China (Mainland) Hong Kong (Special Administrative Region of China) India Japan Kuwait Kyrgyzstan Morocco Oman Pakistan Palau Saudi Arabia South Africa Taiwan Uganda United Arab Emirates Zimbabwe
Ikinalungkot ni Puyat na dahil sa COVID-19 pandemic ay bumaba ang kontribusyon ng turismo sa gross domestic product ng bansa na mula sa 12.8% ay naging 5.4% kasama na rin ang bilang ng mga manggagawa sa turismo na bumaba rin sa 4.6 milyon mula sa 5.7 milyon.
Sinabi rin ni Puyat na hindi kasama sa “cap” ang mga dayuhang turista mula sa mga green lists dahil sila ay fully vaccinated na at hindi na kinakailangang sumailalim sa quarantine kasabay ng pagpapakita ng negatibong RT-PCR test na kinuha 72 oras bago ang pagdating sa Pilipinas.
“Hopefully, by this week, the conditions (for entry of foreign fully vaccinated tourists) can be approved this week so we can have a happy Christmas,” pahabol pa nito.
Balita ni: Ana Marie Still Intales
Comments