top of page

Bacooreño, hinikayat na makibahagi sa National Vaccination Days

Writer's picture: Journo ImpuntoJourno Impunto

Hinihikayat ang mga Bacooreño na magpabakuna sa Nobyembre 29, 30 at Disyembre 1, 2021 bilang pakikiisa sa National Vaccination Days.




Ayon sa City Government of Bacoor facebook page, nilalayon na mabakunahan ang 15 milyong Pilipino sa tatlong araw na ito bilang pakikibahagi ng patuloy na pagtutulungan ng gobyerno at iba pang sektor na maprotektahan ang mga Pilipino laban sa Covid-19 at iba pang variants.


Lahat ng Pilipinong edad 18 pataas at kabataang edad 12 hanggang 17 taong gulang ay maaring mabakunahan.


Ngunit kinakailangang munang magparehistro at makipag-ugnayan sa mga LGU’s bago ang araw ng bakuna.


Pinaalalahanan din na dalhin ang nga sumusunod:


Para sa edad 18 pataas:

Valid ID Medical clearance kung kinakailangan.


Para sa edad 12 hangggang 17 taong gulang:


Patunay ng relasyon ng anak sa magulang (baptismal certificate, birth certificate, atbp) Valid ID ng babakunahan, Valid ID ng magulang o legal guardian


Inaasahan din na sakop sa nasabing National Vaccination Days ang pagtuturok ng booster doses sa mga A1 priority groups at iba pang health workers at sama-sama sa #BayanihanBakunahan.


Balita ni: Joanna Marie Martinez

8 views0 comments

Comments


bottom of page