top of page

Pagpaparehistro para sa National ID System, bukas na para sa edad 5-7 taon

Writer's picture: Journo ImpuntoJourno Impunto

Nito lamang Lunes, ika- 21 ng Nobyembre, inanunsyo ng Robinson’s Place Dasmariñas sa isang facebook post na maaari ng magparehistro at kumuha ng kanilang National ID ang mga batang nasa edad 5-17 years old.




Upang makakuha ng National ID, kailangan lang dumaan sa three-step registration process kung saan ang Step 1 ay ang online registration para ma-iskedyul sa pagpunta sa Step 2 o registration centers. Bukod sa online registration, nag-ikot din ang mga kawani ng PSA sa iba’t ibang barangay at namahagi ng appointment slip.


Ang mga aplikanteng may online appointment schedule o naka-schedule na walk in advise mula sa kani-kanilang barangay para sa kanilang National ID ay maaaring magpatuloy sa Philsys PSA satellite hub sa Level 2 Annex ng RobinsonsPlaceDasmarinas. Tatanggap sila ng aplikasyon mula 8AM- 6PM ng hapon na magsisimula sa Nobyembre 22, 2021.


Para naman sa aplikasyon ng mga kabataan, pinapaalalahanan ang mga magulang na huwag kalimutang dalhin ang mga sumusunod:


1. PSA Birth Certificate ng iyong anak 2. School ID ng iyong anak 3. Ang iyong valid government ID 4. Mag-iskedyul ng mga detalye sa QR code form para sa mga may online appointment 5. Appointment reference number para sa mga may scheduled walk in advise mula sa barangay


Para sa mga katanungan o iba pang mga concern, magpadala lamang ng mensahe sa kanilang website na m.me/PSAPhilSysOfficial, mag-email sa info@philsys.gov.ph, o tumawag sa PhilSys hotline 1388.


Balita ni: Chelsy Angelica Loyola

6 views0 comments

Comments


bottom of page