top of page

Mga naunang bakunahan ng Covid-19 Vaccine sa bansa, magkakaroon ng Booster Shot sa Nobyembre

Writer's picture: Journo ImpuntoJourno Impunto

Inanunsyo ng The National Task Force o NTF kontra COVID-19 ang pagsisimula ng pagtuturok ng booster shots sa mga naunang grupong naturukan ng COVID-19 Vaccine ngayong buwan ng Nobyembre.


Inaprubahan ng Department of Health o DOH ang pagbibigay ng booster shots sa mga fully vaccinated na Health Care Workers (A1) sa bansa dahil sa sila ang unang nakatanggap nito. Priyoridad din ang mga Senior Citizens o bahagi ng A2 at A3 group sa pagtuturok ng booster shot sa bansa.


“Nagpalabas po ng kanilang positive opinion ang HTAC at ang ating All Expert Group para kapag nag-start na po tayo ng boosters sa ating mga (The HTAC and All Expert Groups issued positive opinion so we start administering boosters to our) health care workers,” pahayag ni Galvez.


Samantala, inihayag din ni Galvez na sisimulan na ng DOH ang pagproseso sa mga bakunang ituturok upang gamiting booster shot. Mayroon ding halos dalawang milyong bakuna ang inihanda para sa mga nabanggit na grupo.


"We have enough doses for them. Regardless of brand, mayroon po tayo na nakatabi (we have set aside the vaccines)," Dagdag ni Galvez.


Pfizer, Astrazenica o Moderna ang mga bakunang pagpipiliang iturok na booster shot para sa mga nabakunahan na ng Sinovac.


Balita ni: Nicolas Emerson Morota

1 view0 comments

Comments


bottom of page