top of page

Vax Drive Vaccination para sa mga College Students, inumpisahan na

Writer's picture: Journo ImpuntoJourno Impunto


Maaari nang magsimulang mabakuhan ang mga estudyante sa Tertiary Level ng kanilang mga COVID-19 shot sa Oktubre 15. Sinimulan na ng gobyerno ang pagbakuna sa mga natitirang bahagi ng populasyon.


Ayon kay De Vera, ang bakuna ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang tanging paraan para muling aprubahan ang pagbubukas ng klase ayon sa Higher Education System.


Sinabi ni De Vera na kahit walang partikular na mga tagubilin, tiniyak ng Higher Education Institutions(HEIs) ang bakuna ng mga mag-aaral at guro na makikibahagi sa unang mga klase.


“Our universities are very responsible. We leave it to them to encourage students and faculty to be vaccinated,” pahayag nito.


Sinabi niya rin na ang bakuna rate sa HEIs ay nasa 70-80 porsiyento.


Ayon naman kay Galvez ay hindi lamang nito maproprotektahan ang mga estudyante, kundi maging ang kanilang mga guro at mga kasama sa bahay.


Nanawagan siya sa mga estudyante na kumbinsihin ang kanilang mga magulang, kapatid at kaibigan para kumuha ng jabbed.


Dagdag pa ni Galvez ay mahigit sa 100,000,000 na bakuna ang inaasahang dadating sa katapusan ng Oktubre.


Balita ni: Ellard Ordoñez

3 views0 comments

Comments


bottom of page