Muling ipinaalala ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa publiko ang pagsunod sa mga protocols at guidelines ngayong darating na Undas na katulad din sa mga alintuntunin noong nakaraang Undas 2020.
![](https://static.wixstatic.com/media/9d10fd_3eb723f293ec4dd080d1f9540d4af9dc~mv2.png/v1/fill/w_980,h_644,al_c,q_90,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/9d10fd_3eb723f293ec4dd080d1f9540d4af9dc~mv2.png)
"Lahat ng pribado at pampublikong sementeryo, memorial parks at columbariums ay isasara sa mga bisita mula Biyernes, October 29 hanggang a-dos ng Nobyembre," pahayag ni Secretary Roque sa press briefing kahapon, October 25, 2021.
Inilahad din na ang Omnibus Guidelines sa pag-implementa ng Community Quaratine ay dapat patuloy na sundin sa burial at creation activies sa nasabing panahon.
Samantala, limitado lamang sa 30% ang kapasidad ng mga venue sa mga petsa kung kailan hindi sarado ang mga nasabing lugar.
Dagdag pa ni Roque, hindi kasama ang age restriction sa pagbisita sa mga sementeryo ngunit mahigpit pa ring ipatutupad ang mga protocols at guidelines.
Balita ni: Ana Marie Still Intales
Comments