Simula ngayon, ika-22 ng Nobyembre ay back to normal na ang pasada at pamasahe sa tricycle sa Imus city.
![](https://static.wixstatic.com/media/9d10fd_58e658f5685c4a9880df0002d8948868~mv2.png/v1/fill/w_720,h_720,al_c,q_90,enc_avif,quality_auto/9d10fd_58e658f5685c4a9880df0002d8948868~mv2.png)
Ayon sa pahayag na inilabas ni Mayor Emmanuel Maliksi sa kaniyang Facebook page, nagkaroon ng masinsinang pakikipagtulungan ang kaniyang tanggapan sa Tricycle Regulatory Unit (TRU) para sa pagbabalik ng dating presyon ng pamasahe. Kumonsulta na rin sila sa iba't-ibang TODA ng lungsod.
Kasabay ng implementasyon sa muling pagbabalik ng dating presyo ng pamasahe ay ibinalik na rin ang Three-Passenger Capacity at One-Day Coding sa mga tricycle drivers para raw maging patas sa mga ito.
Ang pamasahe ay balik na sa 9.50 pesos bilang minimum fare at dagdag may karagdagang 1.00 pesos sa bawat kilometrong matatahak nito. Para sa Special Fare naman na may isa lamang na sakay ay may minimum na 28.50 pesos.
Samantala, makikita naman sa Facebook account ng Tru Imus ang aprubadong Fare Matrix at iba pang detalye para sa back to normal na pasada ng mga Imus tricycles.
Balita ni: Camille Consunji
Kommentare