Pagrehistro para bumoto, magpapatuloy ngayong araw
- Journo Impunto
- Oct 20, 2021
- 1 min read

Ipinagpatuloy na ngayon ng Commission on Election o Comelec ang pag-rerehistro bilang botante sa Mayo 2022.
Pagkatapos mag pasa ng Certificate of Conformity ni Comelec Spokesman James Jimenez ay nagpost ito sa twitter,
“After the filing of COCs, #VoterReg na naman uli. #MagparehistroKa na!”
Nais niyang hikayatin ang publiko na mag parehistro na bilang botante sa susunod na taon.
Ang pinahaba pang pagrerehistro ay aabot ng 3 linggo simula ngayon hanggang October 30,2021 pero ang tanging araw lang ng pagrerehistro ay Lunes hanggan Biyernes sa oras na 8 a.m hanggang 5 p.m.
Maaaring magparehistro sa kahit saang opisina ng Comelec at mall registration site. Isinaad din na hindi nag-aalok ng satellite voter’s registration sa barangay at ang mga lugar na naka -ECQ ay walang mangyayaring voter's registration para sa pagsunood ng protocol na inihain noon pa man.
Balita ni: Nicole Jayne Villañueva
Comments