top of page

Maagang paghahanda sa undas, ipinag-utos ng PNP chief

Writer's picture: Journo ImpuntoJourno Impunto


Ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng police units ang maagang preparasyon para sa darating na undas ngayong ika-1 hanggang 2 ng Nobyembre, 2021. Sa ngayon ay pinaplantsa na ang mga ipatutupad na guidelines at security measures sa bawat lugar.


"I am expecting my chiefs of police to coordinate with local government units early, so guidelines and security would be in place in our cemeteries, memorial parks and columbariums even if we are in the middle of pandemic," paglalahad ni Eleazar sa isang statement.



Hinimok niya rin ang publiko na magkaroon na ng plano habang maaga at suriin ang mga tuntunin na ipatutupad ngayong taon, kung sakali mang nagbabalak ang mga ito na bumisita sa mga sementeryo.


Ngayong taon, mas pinag-iigting ang PNP para sa mas mahigpit na pagmo-monitor ng daragsang mga tao upang masiguro na masusunod ang minimum health protocols.


"We have done this in the past year, so we could be sure that we could do this again when Undas comes," dagdag nito.


Samantala, isinara nang mas maaga ang ilang mga sementeryo sa Metro Manila upang maiwasan ang posibleng super spreader events.


Balita ni: Ana Marie Still Intales

1 view0 comments

Comments


bottom of page