top of page

Globe, PLDT nagbigay ng libreng tawag, charging at Wi-Fi sa mga biktima ng Bagyong Maring

Writer's picture: Journo ImpuntoJourno Impunto

Inanunsyo ng GLOBE at PLDT nitong Martes, na magbibigay sila ng mga libreng serbisyo gaya na lamang ng libreng Internet, tawag at Charging Stations para sa mga naapektuhan ng Bagyong Maring.



Batay sa anunsyo ng GLOBE, nais nilang mamahagi ng libreng Tawag, Charging at Wi-Fi Stations sa tatlong lugar na nasasakupan ng Cagayan. Magiging bukas ito ngayong araw, mula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon.


Samantala, nagbigay na rin ng paunang tulong ang PLDT at ang SMART para magbigay ng relief goods at iba pang mga kagamitan upang makatulong sa mga biktima. Kalakip nito ang pagbibigay rin ng libreng serbisyo gaya na lamang ng Libreng tawag at Charging Stations para sa mga lugar na naapektuhan ng nasabing bagyo.


“These pop-up booths have been the lifeline for affected residents to connect with their relatives,” pahayag ng TELCO.


Batay sa datos na isinagawa ng Disaster’s Council ay may kabuuang 4,528 na pamilya at 19,147 na indibwal sa Cagayan Valley, Mimaropa, Caraga at Cordillera ang ilan sa mga lugar na malubhang naapektuhan ng nasabing bagyo at aasahang dadalhin sa 23 na evacuation centers.


May kabuuang 1,216 na pamilya o 1,968 na katao ang sa ngayon ay paunang nailikas sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Caraga.


Balita ni: Nicolas Emerson Morota

1 view0 comments

Comments


bottom of page