top of page

COVID 19 Watch sa Pilipinas

Writer's picture: Journo ImpuntoJourno Impunto

Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas pumalo na sa 2,698,232.


84,850 ang naitalang active cases, 2,575,161 ang mga gumaling at 40, 221 ang mga nasawi.


Nangunguna pa rin ang NCR sa mga rehiyon pag dating sa COVID cases na may 837,037 total cases. Sinundan ito ng mga rehiyon ng CALABARZON na may 483, 632 cases, rehiyon Cental Luzon na may 270, 441 cases, rehiyon Central Visayas na may 148, 517 at rehiyon naman ng Western Visayas na may 144, 344 total covid cases.


Sa 51,358 kataong sinuri, 14.0% dito ang nag positibo.



Halos 87% ng kabuoang kaso ng COVID ay mild at asymptomatic, 7.01% naman ang moderate, 3.36 ang severe at 1.5% naman ang nasa critical condition.


Sa 4,334 na ICU beds, 3.65% dito ang kasalukuyang ginagamit. Sa 21,120 naman na isolation beds 51% dito ang na uukopahan na. Sa 15,080 na ward beds, 51% dito ang kasalukuyang ginagamit habang sa 3,253 na ventilators, 48% dito ang inuukupahan.


Sa oras na makaranas ng anumang sintomas ng COVID ay agad na makipag ugnayan sa BHERTS o One COVID Referal Center, na maabot sa 1555, (02) - 505 - 00, 0915 - 777 - 7777 o sa 0919 - 977 - 3333


Balita ni: Brian Paul Hamis

1 view0 comments

Comments


bottom of page