top of page

Serye ng Oil Price Hike umaarangkada, Transport Group

  • Writer: Journo Impunto
    Journo Impunto
  • Oct 20, 2021
  • 1 min read


Noong Martes, ika 5 ng Oktubre naitala ang ika anim na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo bunsod ng mataas na demand ng langis sa pagbabalik ng mga ekonomiyang naapektuhan ng Covid-19.


Sa loob lamang ng 9 na linggo umabot na sa ₱5.65 ang itinaas ng presyo kada litro ng diesel, ₱4.10 naman sa gasolina at ₱5.30 sa kerosene.


Dahil sa sunod sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo, nagbabala na ang transport group na Pasang Masda na mapipilitan silang magtaas ng pamasahe kapag hindi pa tumigil ang pagtaas ng presyo sa susunod na linggo.


"Mapi-puwersa na kaming mag-file ng petition for fare increase. Ito'y masakit sa aming puso at isip pero kailangang maunawaan kami ng ating mananakay, 'di na namin makakaya," ani Martin (Presidente ng Pasang Masda)


Tiniyak naman ng Department of Energy (DOE) na may sapat na supply ng langis sa bansa.




Balita ni: Chelsy Angelica Loyola



Commentaires


bottom of page