top of page

12 Pesos Minimum Fare, hirit ng mga operators at tsuper

Writer's picture: Journo ImpuntoJourno Impunto

Mula sa 9 pesos minimum fare inihain ng mga transport group ang tatlong pisong dagdag pasahe nitong Miyerkules, bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Simula noong Martes ay tumaas pa ng P1.50 kada litro ng diesel habang nasa P1.30 naman ang itinaas ng gasolina.



Sa kabuuang datos ng Department of Energy, simula noong Enero hanggang ngayong Oktubre ay pumalo na ang halaga ng petrolyo sa P16 kada litro ng gasoline, habang P15 naman ang presyo kada litro ng Diesel.


Naghain ng petisyon ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) at iba pang transport groups noong October 13, 2021 para sa P3 na dagdag pasahe sa mga pampablikong sasakyan.

Bukod sa pag taas ng presyo ng krudo, ay dagdag pasakit din sa mga tsuper ang kakaunting bilang mga pasahero na maaaring isakay sa bawat biyahe, alisunod sa COVID19 restrictions ng Inter- Agency Task Force (IATF).


Tutol si Transportation Secretary Arthur Tugade sa P3 taas sa pasahe. Ngunit saad naman ng pinuno ng National Center for Commuter Safety and Protection na si Elvira Medina ay napapanahon na upang itaas ang pamasahe.

Habang hati naman ang reaksyon ng mga commuters’ tungkol dito.


Balita ni: Stephanie Lagman

3 views0 comments

Recent Posts

See All

Veteran Journalist shot dead on Samar

A veteran journalist was shot dead in Calbayog City, Samar on Wednesday December 8. Pampanga-based journalist Jesus “Jess” Malabanan a...

Comments


bottom of page