Positivity rate sa Imus, tuloy tuloy na ang pagbaba
- Journo Impunto
- Dec 15, 2021
- 1 min read
Noong Setyembre nakapagtala ng higit 2000 active cases ang lungsod ng Imus. Ayon sa Imus COVID-19 Census, mula sa huling tala na inilabas nila sa Facebook Page ng City Government of Imus noong ika-1 ng Disyembre ay mayroon na lamang 12 active cases. Nagpapakita ng tuloy-tuloy na pagbaba ng positivity rate sa buong lungsod.
Samantala, naghayag naman ng pasasalamat si Mayor Emmanuel Maliksi sa kaniyang Facebook Page sa mga Imuseño dahil bunga raw ito ng kanilang pagbubuklod- buklod kontra sa pandemya at mainit na pagtanggap sa #BidaAngMayBakuna Campaign.
Balita ni: Camille Consunji
Comments