Sinabi ni Manila City Mayor Isko Moreno at Aksyon Demokratiko standard-bearer, na kanilang mainit na sasalubungin si President Rodrigo Duterte sa kanyang Senate Slate matapos ng ilang buwan na pagkakainitan sa pagitan nilang dalawa.
Ito ay matapos ang pag atras ng kaalyansa ni President Duterte, na si Sen. Bong Go sa 2022 presidential derby. Wala pang formal na pag-urong si Go bilang presidential candidate ng Pederalismo ng Dakilang Dakilang Samahan sa Commission on Elections.
"I will personally vote for President Duterte for senator. And I will be grateful, honored, and humbled to have somebody like the president in our slate as an additional candidate for senator," pahayag ni Moreno sa isang ambush interview sa Lapu-Lapu City.
Inilarawan ng kandito sa pagpakapangulo si Duterte bilang “very much capable of doing the job as a legislator." Sinabi ito ni Moreno matapos sabihin na iboboto niya si Duterte.
Nang tanungin si Moreno kung bakit niya gugustuhin si Duterte para sa kanyang Senate Slate, ipinaliwanag nito na bilang pangulo ay maraming mga nagawa si Duterte, kabilang ang flagship infrastructure project ng kanyang administrasyon na Build, Build, Build.
Matagal nang nakaposisyon si Moreno bilang isang moderate at itinanggi ang pagiging isang secret administration candidate. Pinuri naman ng Manila City chief nitong Lunes si Duterte sa pagpapasimula ng tatlong araw na National Vaccination Drive.
“Let’s give credit where credit is due. President Duterte has so many accomplishments. And I believe that he can be an effective senator since through legislation, he can ensure that his legacy will be institutionalized," saad pa ni Moreno.
Balita ni: Nicole Jayne Villanueva
Comments