Lunes ng gabi, Dec. 6, mahigit sa isang milyong doses ng US-made Pfizer COVID-19 ang dumating sa Pilipinas.
May kabuuan na 1,085,760 Pfizer doses ang lulan ng eroplano na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 bandang ika-9 ng gabi, ayon sa livestream ng state-run PTV.
Dumating ang delivery ilang oras pagkatapos dumating ng halos dalawang milyong doses na US-made rin na bakuna na Moderna.
As of Dec. 2, nasa kabuuang 146 milyon doses na ng COVID-19 vaccines ang naihatid sa bansa.
Kasalukuyang nagbibigay ng mga doses ng bakuna ang gobyerno para sa mga menor de edad na 12 hanggang 17 at mga booster shot sa mga health worker, senior citizen, at mga taong may comorbidities.
Maaaring gamitin ang mga Pfizer at Moderna para sa mga menor de edad at booster shot.
Balita ni: Ana Marie Still Intales
Comments