Nakiisa ang bayan ng Imus City sa pagbubukas ng Limited face to face clasess sa Cavite matapos maipasa ang safety and readiness assessment ng DepEd at DOH ang Gov. DM Camerino Integrated School.
Labindalawang mag-aaral sa kindergarten ang pinayagang pumasok habang tig-lalabing anim naman sa bawat baitang sa Grade 1 hanggang Grade 3, hinati ito sa dalawang batch na magsasalitan kada linggo para sa face to face classes at modular activities.
Ayon kay Maliksi, "Nagpapasalamat po tayo sa ating mga kasama sa DepEd Imus para sa masinsinang kooperasyon sa ating Pamahalaang Lungsod para mapili ang ating paaralan bilang isa sa mga kalahok dito."
Tututukan naman ng paaralan ang participation ng bawat estudyante sa classroom activities ngayong naipasa na ang limited face to face classes.
Tiwala naman ang Imus School Division Office na unti-unti naring magbubukas sa face to face classes ang iba pang mga paaralan sa lungsod.
Balita ni: Nicolas Emerson Morota
Comments