top of page

Daily Water Interruption, mararanasan sa ibang mgalugar simula Decemeber 7 hanggang December 22

  • Writer: Journo Impunto
    Journo Impunto
  • Dec 15, 2021
  • 1 min read

Nagpatupad ang Maynilad ng water service interruption sa ilang bahagi ng Bacoor, Imus, Las Piñas, Parañaque at Muntinlupa, araw-araw, simula December 7, 2021 hanggang December 22, 2021.















Ito'y isinagawa simula ngayong araw upang masiguro na ang lahat ng apektadong customer ay magkakaroon pa rin ng tubig sa loob ng ilang oras kada araw.


Ayon sa Facebook post ng Maynilad Water Services, Inc. dahil sa patuloy na pagtaas ng turbidity level sa raw water ng Laguna Lake dala ng hanging Amihan, kinakailangan nilang magbawas Maynilad ng water production.


Kasunod nito, pinayuhan din ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig sa mga oras na available ang supply sa kanilang lugar.


Habang mayroong ding water tankers ang Maynilad na nakaantabay at handang magdala ng malinis na tubig sa mga apektadong lugar kung kinakailangan.


Humingi din agad ang Maynilad ng paumanhin sa nasabing abala at nagpasalamat sa pang-unawa.


Maaaring namang bisitahin ang nasabing facebook page upang makita ang kabuuang listahan ng mga apektadong barangay at ang kani-kanilang interruption schedule.


Balita ni: Joanna Marie Martinez

 
 
 

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page