top of page

20 anyos na lalaki binaril ng pulis dahil sa hindi pagsusuot ng facemask

Writer's picture: Journo ImpuntoJourno Impunto

Patay ang 20 anyos na lalaki nang barilin ito ng pulis matapos masita dahil sa pag iingay at hindi pagsusuot ng facemask sa Pampanga.





Kinilala ang biktima na si Abelardo Vasquez, na nag tamo ng ilang tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan. Habang natukoy na rin ang suspek na si Police Cpl. Alvin Pastorin, na isang intelligence officer sa Pampanga.


Ayon sa ina ng Biktima na si Lou, ay masayang nag kukwentuhan ang kanyang anak kasama ng mga pinsan nito ng sitahin ito ng Pulis noong November 20. Binaril umano ni Pastorin ang biktima ng malapitan at nag tamo ng tama sa leeg at dibdib, agad naman naisugod sa ospital si Vasquez ngunit idineklara ito na dead on arrival.


Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na sinita umano ni Pastorin ang mga kabataan at pinauwi sa kani-kanilang mga tahanan ngunit nagkasagutan ang mga ito.


Humingi umano ng back-up ang mga binata sa mga kamag anak na nag iinuman at saka binalikan ang pulis ayon pa sa imbestigasyon ay kinuyog at pinagbabato si Pastorin kaya’t nagpa putok ito upang depensahan ang sarili.


Pahayag naman ng ina ng biktima ay hindi mahilig sa away ang kanyang anak. Bago pa man ang insidente ay naghahanda si Vasquez ng kanyang mga requirements para sa trabaho dahil nais umano nitong umuwi sa Davao kung saan ito lumaki.


Ayon naman sa Philippine National Police (PNP) ay sinampahan ng kasong Homicide at kasalukuyang naka detain ngayon sa Bacolor Police Station si Pastorin.


Nangako naman si PNP Chief, General Dionardo Carlos na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng biktima.


Balita ni: Stephanie Lagman

2 views0 comments

Recent Posts

See All

Veteran Journalist shot dead on Samar

A veteran journalist was shot dead in Calbayog City, Samar on Wednesday December 8. Pampanga-based journalist Jesus “Jess” Malabanan a...

Commentaires


bottom of page