top of page

'Nuisance Candidate' Paano malalaman kung panggulo ang isang kandidato?

Writer's picture: Journo ImpuntoJourno Impunto


Ayon sa inilabas na listahan ng Commission on Elections (COMELEC), halos 100 ang naghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagkapangulo para sa #Halalan2022.


Pumalo sa 97 ang naghain ng COC, kabilang sina Senador Manny Pacquiao, Ping Lacson, Bato dela Rosa, Labor Leader Leody de Guzman, Manila Mayor Isko Moreno, Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Leni Robredo.


Samantala, sa pagka-bise presidente naman ay 29 ang nag-file ng COC, habang nasa 176 ang filers sa pagka-senador, at umabot sa 270 sa partylist.


Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, tiyak na mababawasan pa ang mga bilang nito, "Mati-trim po talaga 'yan kasi meron tayong proseso ng paghihiwalay ng mga nuisance candidates at ng lehitimong kandidato," aniya.


Sa ngayon, patuloy na sinasala ng COMELEC ang mga COC at Certificate of Nomination and Acceptance ng mga kandidato upang malaman kung maaari at kwalipikado bang tumakbo ang mga nagsumite.


Paano masasabing 'nuisance' ang isang gustong tumakbo sa halalan?


Kung ang isang aspirant ay:

• Walang intensiyong kumandidato

• Ginagawang katatawanan ang halalan

• Nais lituhin ang botante


Sa katapusan pa ng Oktubre nakatakdang maglabas ng inisyal na listahan ang COMELEC habang sa Disyembre ng taong 2021 naman masasapinal kung sino ang mailalagay sa balota.


Balita ni: Joanna Marie Martinez

0 views0 comments

Comments


bottom of page