Nagkaroon ng soft opening ang Manila Bay Dolomite Beach sa Maynila noong ika-16 ng Oktubre para sa publiko mula nang ibaba ang quarantine status ng Metro Manila sa Alert Level 3. Bukas ang naturang beach mula alas-otso hanggang alas-onse ng umaga at alas-dos hanggang ala-sais ng hapon. Ikinagalak ng DENR ang manit na pagtanggap ng publiko sa Dolomite Beach dahil patuloy itong dinadagsa ng mga tao mula sa iba't-ibang lugar.
![](https://static.wixstatic.com/media/9d10fd_8a98bf486e5d4a8c89ad017a2203803f~mv2.png/v1/fill/w_719,h_480,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/9d10fd_8a98bf486e5d4a8c89ad017a2203803f~mv2.png)
“We are overwhelmed by the outpouring of support from the public which made the reopening of the Manila Bay Dolomite Beach truly successful,” saad ni DENR Secretary Roy A. Cimatu.
Unang binuksansa publiko ang Manila Bay Dolomite Beach mula ika-18 hanggang ika-21 ng Hulyo ngayong taon. Ang muling pagbubukas ng Dolomite Beach ay isang kolektibong desisyon ng Manila Bay Inter-Agency Task Force na pinapangunahan ni DENR Secretary Roy A. Cimatu. Bukod sa pagsusulong ng Positive Mental Health, handog rin ng Dolomite Beach ang isa sa magagandang lugar para masilayan ang paglubog ng araw o ang Manila Bay sunset.
Saad ni Cimatu, maaaring manatili ang mga bisita sa Dolomite Beach hanggang kailan nila gusto sa loob ng nasabing oras lamang. May limitasyon naman ang bilang ng mga taong maaaring papasukin sa tatlong daang katao lamang.
Nag anunsyo na rin ang DENR sa kanilang Facebook Page ng mga rules and regulations na dapat sundin ng mga tao sa loob ng Dolomite Beach tulad ng bawal kumain, bawal lumangoy at bawal magdala ng mga alagang hayop. At sa tulong ng DENR personnel at security marshals, sinisiguro ang mahigpit na pagpapatupad ng health and safety protocols.
Balita ni: Camille Consunji
Comments