top of page

Retiradong PBA Star player, tatakbo sa pagkakonsehal

Writer's picture: Journo ImpuntoJourno Impunto

Updated: Oct 20, 2021


Dating PBA Star na si Rey Evangelista, tatakbo sa Ormoc bilang konsehal.


Isa ang retiradong PBA player na si Rey Evangelista ang dadagdag sa listahan ng mga dating manlalaro na papasukin ang mundo ng pulitika.



Apat na taong PBA champion na ginugol ang atensyon sa paglalaro ng basketball bilang miyembro ng dati nitong koponan na Purefoods ang tatakbong City Councilor sa Ormoc sa ilalim ng Partido ng kasalukuyang alkalde na si Richard Gomez.


"I'm am running for city councilor this coming elections under the Ormoc Development team under Mayor Richard who is running for congressman and his wife Cong. Lucy (Torres-Gomez) who is running for mayor this time," Evangelista told Noli Eala in Power and Play.


Matatandaan nitong 2008 matapos ianunsyo ng All Start PBA Player na si Rey Evangilista na siya ay magreretiro na sa paglalaro ng basketball. Nagsilbing Coach ng nasabing team sa loob ng tatlong taon ang retiradong player bago pasukin ang politika.


Matapos magretiro ay nagtayo muna ng business at lumahok sa mga non-government organizations ang retiradong player bago ianunsyo ang pagpopolitika.


Ayon kay Evangelista, kahit hindi pa man daw niya pasukin ang politka ay naghahatid na siya ng serbisyo gaya na lamang ng pagiging Presidente sa Ormoc City, Chamber of Commerce at pagiging City Sports commissioner. Dagdag pa niya, Malaki rin daw ang maaari niyang maitulong kung sakaling siya ay tatakbo sa mataas na posisyon.


Isinaad din ni Evangelista na malaking bagay ang pagiging sikat niyang player dahil kilala at maaring pakinggan ng mga botante ang kanyang plataporma sa pagtakbo bilang City Councilor.


Nakatakdang mag file ng Certificate of Candidacy si Evangelista kasama ang kasalukuyang Alkalde na si Richard Gomez at ang asawa nito ngayong Biyernes.


Balita ni: Nicolas Emerson Morota



21 views0 comments

Comments


bottom of page